Ako ay isang empleyado na isang information technology sa isang "software development" company dito sa Makati. Marami na akong nagawa, kahit hindi naman siya maipagmamalaki alam ko natapos ko ang trabaho ko at may kalidad ito. Nuong una, maganda pa ang aking trabaho kasi nasa linya ko yong ginagawa ko. Ngunit, nang napalitan ang aming Project Manager biglang nagbago ang lahat.
Hindi ko alam kung bakit siya ang naging project manager. Meron naman mas merong kakayahan maging project manager. Ang sabi ko sa sarili ko "bakit siya? hindi siya marunong o nag mamagaling lang siya lalo na sa programming". Tapos, siya ang number 1 o numero unong reklamador sa amin.
Nang tumatagal na, lumabas na ang tunay niyang ugali. Masasabi kong baklang ahas siya!
Ang tanong: Bakit naman Baklang Ahas siya?
Define natin, ang bakla at isang lalaki na ang kilos ay pang babae ang damdaming babae na pumapatol sa isang lalaki din. Ang ahas naman, traydor. Maraming ibig sabihin ang traydor pero based sa experience ko dito sa opisina. Upang magsurvive siya, tutuklawin niya kahit mga naging kaibigan lalo na kapag nakatalikod. Una magiging kaibigan ka niya pero kapag dumating na ang panahon na alam niya na magiging treat ka sakanya kasi magaling ka at ayaw niya na matalbugan mo siya, tutuklawin ka niya kapag nakatalikod ka. Ibig sa sabihin sisiraan ka niya sa big boss. Ayaw ko man sabihin, it is a typical old school pilipino style. Parang government dito sa pilipinas na kung hindi ka sipsip hindi ka magsurvive.
Marami kameng naging bagong empleyado specially girls na hindi naman chicks nagpipiling lang ng maganda kahit mukhang kabayo naman. (ang sama ko noh? arte ksi e)
Instead na alagaan ang mga lumang employee, yung mga bago ang inalagaan. Freshmen palang sila at walang ganoong experience sa trabaho lalo sa programming pero kung umasta e feeling nila magagaling sila at very competitive daw sila. Kaya ayon, closeness silang project manager at mga bago with lumang employee na sipsip. Kame? isang tropa kami na masasabi kong mga "Masters". Ako hindi ako aabot sa master level ng katulad ng sakanila kasi hindi ko na practice ang linya ko kasi ala silang pang bili ng software na yun. Sila, mayroong matanda at bata. Meron isip bata at isip matanda, pero ang point is "natatapos ang mga project kahit anong i-salpak sa tropang ito", e yung mga bago? meron silang natapos pero revision parin until now at ito ang malupet. Lagpas isang taon na yung isang project pero ala pa sila sa 1/4. Pero lagi nilang sinasabi na tapos na at meron maipapakita sila. pero ang totoo ala pa. Sinasabi nila na from the scratch daw ung gawa nila pero alam namin na hindi at meron din kmeng evidence na nakita na hindi talaga from the scratch yung gawa nila. Kung tutuusin, marami nang nakagawa nito. Kaya marami nang reference ang nasa internet.
sobrang haba na nito. abangan na lang ang susunod na kabanata.
ok lang magcomment, kung mali ba ito o tama ba yung mga pinagsasabi ko. Gusto ko lang i-share ang nakikita ko at nararamdaman ko.